top of page

When Infinity Ends

  • Cieng
  • May 29, 2019
  • 7 min read

Sabi nila “Infinity has no end, infinity nga diba”, but in our case our infinity ended without warning.


Let me tell you my own story how my unexpected infinity started and how it was expected to end on an unexpected time.


Tahimik lang naman ang buhay ko noon, until dumating si Peter. Nakikita ko naman na siya dati dito sa school pero di kami close or di kami nagkaka-usap. Then because of school festival naging close kami, well very cliché I know pero walang magagawa na designate kami sa iisang booth so we need to communicate and unexpectedly we became friends.


The school festival ended and yeah tuloy padin yung communication namin, super random lang pinag-uusapan namin Peter minsan pasabugan lang ganon, basta lang makapag-usap kami. We became super close as in close, yung tipong pag nakasalubong kami sa school mag bubugbugan muna kami or magchichikahan bago maglakad ulit. After school kung saan saan kami tumatambay at kung saan saan nagliliwaliw at dahil dun mas nakilala naming yung isa’t isa.


Dumating yung araw na nagkaproblema ako, hindi nagpaparamdam yung tatay ko mula sa ibang bansa at hindi na din siya nagpapadala ng pera for 3 months na, buti na lang nag-iisang anak ako, alam kong nahihirapan si mama, makahagilap ng pera kaya tinitiis ko yung gutom ko. Nung mga panahong yun nakakahiya man, pero I am thankful kasi tinutulungan ako ni Peter at nililibre niya ako pag breaktime. Maraming beses ko siyang tinanggihan pero ilang bes din niyang pinilit na tanggapin ko yung tulong niya. Thankful ako na nadyan si Peter. Though hindi lang naman si Peter yung kaibigan ko, pero ewan ko ba alam ko kasing si Peter siya yung klase ng kaibigan na hindi ka niya ka-aawaan pag nagsabi ka ng problema sakanya pero at the same time nakikinig din siya. Alam ko kasing pag sa iba kong kaibigan i-sheshare yung problema ko, they will be very careful sa actions nila pag kasama ako atsaka alam kong ka-aawaan lang nila ako, at ayaw ko nun.


Ganon yung sitwayon for few months, akala ko mahirap na yung sitwasyon ko pero may mas-ihihirap pa pala ito. Isang umaga gumising ako, napakatahimik ng paligid. Bumaba ako para mag-agahan. Nakita ko sa hapag kainan ang kanin at ulam, pero wala si mama. Bago ako kumain ay hinanahap ko muna si mama, pero wala siya.


“Baka naman namalengke lang” yun ang iniisip ko, kaya na kumain na ako at naghanda para pumasok.


Matapos kong gawin lahat ng seremonyas na kailangan kong gawin, bumaba akong muli. Hinanap ko si mama pero wala padin siya.


“Nasaan kaya si mama?”


Pumukaw sa atenyon ko ang papel na nakadikit sa ref gamit ang ref magnet. Kinuha koi to at tinignan kung ano ang nakasulat sa papel na iyon.


“Anak, alam mo namang mahirap na ang sitwasyon natin. Hindi na kasi kaya ni mama eh. Pasenya ka na kung iiwan kita, anak alam kong mahirap pero alam kong kaya mo na mag-isa. Hindi ko na kasi kaya ang sitwasyon natin eh, yung hindi mo alam kung makakakain ba tayo kinabukasan o hinde. Pasensya na anak. May iniwan akong limang libo sa drawer, sana makatulong sayo”


Matapos kong basahin yun ay dali dali kong kinuha ang pera sa drawer at pumunta sa mga kamag-anak ni mama, baka sakaling nandoon siya. Sa loob ng isang linggo hanap lang ako ng hanap kay mama, pinuntahan mo lahat ng kamag anak ni mama, pero lahat ng bahay na pinuntahan ko walang tao, kung hindi lumipat ng bahay nasa ibang bansa naman. Ang tagal ko nang hindi pumapasok, paubos na din ang perang iniwan ni mama sa kakahanap ko sakanya. Kaya naman humanap na ako ng part time job sa isang fast food chain, and luckily natanggap naman ako.


Papasok pa ba ako? Hindi ko alam kung kakayanin kong mag-isa eh. Andito ako sa tambayan namin ni Peter, alas-otso na din nang gabi kaya ako na lang mag-isa ang andito. Habang nakatulala sa kawalan tuloy lang ang agos ng luha ko. Hindi ko na alam, ang bigat bigat na lang talaga.


“Dito lang pala kita makkikita” napalinggon ako sa taong nagsalita sa likod ko si Peter pala. Pinunasan ko ang luha sa mga mata ko at sinubukang pakalmahin ang sarili ko. Saka siya tumabi saakin.


“Tagal mo nang di napasok ah, ano bang nagyayare sayo? Chinachat kita di ka naman nag oonline. Nagtetext ako at tumatawag cannot be reach ka naman” hindi ako makasagot. Alam ko kasing once na nagsalita ako bubuhos na lang yung luha ko bigla.


“Alam mo namang pwede mong sabihin lahat saakin diba?” sabi niya. Then nag break down na ako at sinabi ko lahat kay Peter ang nangyare.


“kung feeling mo ehh na hihirapan ka na tumingin ka lng sa paligid mo at isipin mo na kung nararanasan rin ba nila ung nararanasan mo at pag tapos ehh tumingin ka sa langit pag gabi at magbilng ka ng star ay kung ilan ung mabilng mo ganong times ka mag pray” sabi niya saakin. Then for the first time in a week I smiled.


Months passed ganito na ang buhay ko sanay na akong mag-isa, papasok sa school sa umaga at pag dating ng uwian diretso sa trabaho at uuwi ng madaling araw. Mahirap pero kinakaya ko, dahil na din siguro lagging nandyan si Peter sa tabi ko.


Dumating yung araw na si Peter naman yung nagkaproblema sa friends niya and even his parents. Lumayas siya sakanila that time at nakitira muna siya dito sa bahay for a week. Please don’t put malice walang nangyari okay?


Ganoon lang kaming dalawa, we keep each other’s secrets, comfort each other and make sure na we’ll make each other smile.

Masaya kami sa ganoon, bukod kasi sa kadramahan magkasundo din kami sa kalokohan. Then dumating yung araw na kinukulit na ako ng friends ko kung ano daw bang meron saamin ni Peter, and I answered “Wala” kasi wala naman talag we’re just friends.


From that day hindi na kami tinantanan ng asar ng mga kaibigan namin, yap NAMIN even his friends started to tease him also. Well every time na inaasar kami bigla bigla na lang siyang lumalayo saakin. I don’t know why pero hindi ko na lang pinapansin.


Minsan na lang kami tumambay ni Peter dahil nga may trabaho ako pero tuwing magkasama kami lagi siyang sweet and caring, though oo sweet naman siya saakin kahit noon pero iba yung ngayon. Hindi naman siguro ako shunga para hindi maramdaman yung kakaibang kinikilos niya, even his words mas sweet na din.


Oo naguguluhan ako pero I tried to contain all the confusion inside, until my birthday came. Pumunta kami ni Peter sa usual tambayan naming nagdala ako ng konting pagkain to celebrate my birthday. So ayun nag mini picnic kaming dalawa ang wala kwentuhan lang, until magdrama ako.


“Salamat Peter ha”


“Para saan? Eh wala nga akong regalo sayo eh”


“Kasi lagi kang nandyan for me. I thank God kasi nakilala kita, unexpected man pero hayyy napaka saya lang nung may taong nandyan para pakinggan at i-comfort ako ng hindi ako kinaki-awaan”


“Thank you den, at sana magtagal tong friendship natin. Sa totoo niyan may regalo talaga ako kaso nahihiya ako” inabot niya saakin yung isang maliit na box, pagbukas ko nakita ko ay isang handmade bracelet, yung parang sa yarn gawa.


“Sorry yan lang nakayanan ko, actually tag-isa tayo diyan. Friendship bracelet. San yung firnship natin ehh panghabang buhay na” I smiled at sinuot yung bracelet na gawa niya, kulay red yun at black and ganda. Akalain mo yun may talent ang mokong.


“Saka mag cocollege na tayo, hindi man sigurado kung sa parehong school tayo papasok. Sana kahit na magkaiba tyo ng school ehhh parang magkalapit parin tayo” kakaloka mas madrama siya saakin


“And lastly… I love you”


After that same routine padin naman kami school tas tambay minsan. Hindi man malinaw yung I love you niya. Masaya naman akong kasama siya. Hanggang sa grumaduate at nag college kami, mas dumalang yung pagkikita namin pero nagkakachat padin naman kami for some reason may nararamdaman na akong kakaiba. Basta masaya ako pagka-usap ko siya, lalo naman pag kasama ko siya. At madalas hinahanap hanap ko siya.

Hindi ko alam paano naming nagagawa yun, to think na college na kami tas may trabaho pa ako pero sinisigurado namin na everyweek dapat magkikita kami, at nakakpunta pa nga kami sa mga amusement park eh. Sa tuwing magkikita kami wala siyang palya sa pagbibigay ng kung ano-ano saakin.


“Hoy! Napaka gastador mo na. Kung ano-ano na lang ang binibigay mo saakin”


“Okay lang worth it ka naman eh”


“ewan ko sayo”


“Sana pang habang buhay na tayong ganito, masaya saka laging magkasama”


“Tss, boi walang forever”


“Pero may infinity. At infinity yung satin” Ano ba yung satin?


Akala ko pag infinity hindi na matatpos pero, dumating yung araw na minsanan na lang kami nag-uusap. Hindi na din kami nagkikita. Namimiss ko na nga siya eh. Ilang beses akong nag chachat sakanya pero kung hindi “ahhhh” “hahahahaha” at “sorry busy ako” ang reply niya, wala siyang reply or seenzone lang ako.


Hindi ko alam kung anong nangyayare sakanya. Nakakaparanoid na ewan. Kapag namimiss ko siya tinitignan ko na lang yung gawa niyang bracelet and I am hoping na okay lang siya.


Isang araw habang nasa shift ako ng trabaho ko nakita ko si Peter na pumasok sa fast food chain na pinag tatrabahuhan ko. Napangiti naman ako at sinundan ko siya ng tingin, assigned kasi ako sa cashier ngayon kaya hindi ko siya malapitan. Nakita ko siya na umupos sa isang table habang hawak ang phone niya. Parang may hinihintay siya.


“Jane, ako na dyan may serve ka muna sa customers saka mag linis ng tables kulang kasi yung crew na naglilinis at nag seserve ang dami nang tao” sabi ng manager namin.


“Sige po ma’am”


Hindi ko na napansin si Peter dahil sa dami ng tao, linis dito serve don, hayyy nakakpagod. Pero okay lang may sweldo naman ito noh.


*ting ting*


Narinig kong ang bell hudyat na may order na kailangang i-serve kaya dali dali akong tumakbo sa counter.


“Table 8”


Agad kong hinanap ang table 8 at laking gulat ko na kay Peter pala yun. Agad akong pumunta doon at nilapag ang order niya.


“uy! Jane long time no see”


“hahaha, oo nga. Teka mag-isa ka lang bakit pangdalawang tao order mo?” bago pa man siya magsalita, may biglang nagsalita sa likod ko.


“Sorry ang daming tao sa CR, sorry” Naptingin naman ako sa babaeng ubod ng puti, at napaka ganda niya para siyang dyosa.


“Andito na pala yung order natin” sabi pa niya.


“Sige Peter una na ako, madaming tao eh” paalis n asana ako ng pinigilan niya ako.


“Wait lang, papakilala ko siya sayo”


“Jane ito nga pala si Mary” Inoffer naman ni Mary yung kamay niya, at nakipag shakehands ako.


“Girlfriend ko” sabi ni Peter, hindi ko alam pero parang nagging bato ata ako.


“Ah Mary, si Jane pala. Siya yung kinukwento kong kaklase ko dati”


“Ah hello” sabi ko.


“Ah siya pala yun” sabi ni Mary


“pasensya na ha, gusto ko pa sana makipag kwentuhan kaso madaming customer eh” sabi ko


“Sige, hangout tayong tatlo minsan” sabi ni Peter. Ngiti lang ang sagot ko sakanya atsaka umalis.

Akala ko ba infinity yung satin? Pero ano nga ba yung meron saatin?

I know it wasn’t the best story ever written, but it was the greatest lesson ever taught.

What is it?

It is the fact that even infinity also has its end.


 
 
 

Comments


LET'S TAKE IT TO THE NEXT LEVEL!

© 2023 by Annabelle. Proudly created with Wix.com

bottom of page