top of page

Kwentong Malabo

  • Cieng
  • Jun 3, 2019
  • 8 min read



“huy! Ang seryoso mo dyan!”


“Rank to kaya kailangan serious, isang panalo na lang mythic na ako”


“Ahh mythic pala” *tumawag*


*DEFEAT*


“Aishhhh! Ayan talo! Jane bakit ka kasi tumawag! Nakakinis naman eh”


“Eh paano po, yung mga requirements mo hindi mo pa inaayos, aba isang buwan na tayong bakasyon ah, may balak ka pa bang mag apply for college?”


“meron syempre”


“oh ano pang ginagawa mo dyan? Magligo ka na saka magbihis, punta tayo sa school para kunin yung requirements mo tas diretso tayo ng university

para mag enroll”


“ehh, saka na”


“anong saka na? Dali na kasi”


“sige na nga, saglit lang”



Si Peter kababata ko siya. Sabi nila kapag daw ang kaibigan mo ay opposite sex pag dating daw ng high school eh mawawala yung closeness niyo, pero saamin hindi ganoon paden naman. Isa pa sa sinasabi nila ay hindi daw pwedeng maging bestfriends and opposite sex ng walang feelings, well ibahin niyo kami ni peter. Bestfriends lang kami, madaming nang-aasar pero wala silang magagwa, sadyang bestfriends lang kami.


“Ano bang course ang kukunin mo talaga?” – Jane


“Hindi ko nga alam eh, gusto ko sana ituloy yung animation”


“Oh? May universities naman na may animation ah. Gusto puntahan natin ngayon after natin sa papasukan ko”


“Ano ka ba, mahal kaya yung school na nag-ooffer nun saka yung scholarship dun kailangan magpasa ng portfolio, tas may interview pa, eh hindi pa ganoon kagandahan yung drawings ko”


“Eh anong balak mo?”


“Mag a-Architecture na lang ako”


“eh diba mahal din gamit dun?”


“Yung pinsan ko nag architecture dati, eh hindi naman niya natuloy kasi pumunta na siya ng Japan para mag trabaho, so ibibigay na lang daw niya saakin yung mga gamit niya”


“edi ayos, same school tayo”



Normal na saaming dalawa yung yung magbalyahan, kulitan at bangayan. Parang routine na namin yun. Halos hindi mo kami mapaghiwalay, very close din kasi yung family naming dalawa kaya ayun, nasanay na lang siguro. Yun nga lang eh parehong parents namin nagtatrabaho na kaya madalang na magkita kita.


“huy! Peter! Bangon na dyan aba! Tatanghaliin tayo”


“anu ba, ang aga aga pa eh”


“Nako, dapat lang na maaga noh, mahaba kaya ang pila ng enrollment”


“ihhhh tutulog pa ako”


“Peter bangon na kasi!” *kinulit*


“oo ito na!”






“HAyyy grabe nakakapagod, imagining mo 5 oras tayong nakatayo hayyyy”


“Ganoon talaga noh, wag ka nang mag reklamo dyan, but nga libre na sa state university eh”


“sus! Palibhasa ikaw nag enjoy”


“Anong nag enjoy ka dyan, masakit din paa ko noh. Sadyang alam ko lang na worth it yung pinila ko”


“worth it?”


“oo worth it”


“worth it kasi madami kang gwapo na nakita”


“Wow ha! Ikaw nga tong naghahanap ng dyosa kanina sa pila”


“hoy hindi ako naghahanap ng dyosa kanina, ikaw tong naghahanap ng gwapo kanina noh”


“Sus kunyare ka pang tahimik kanina, eh halos mabali naman leeg mo kanina kakalinga. Ang sabihin mo nag hahanap ka lang ng magaganda kanina”


“hindi ko kailangan maghanap noh”


“Bakit naman?”


“Sa gwapo kong to, sila ang hahabol saakin”


“wow! Ang hangin mo boy!”


“Pero seriously, hindi ko na kailangan mag hanap ng babae”


“sus kunyare ka pa”


“seryoso nga!”


“Bakit may jowa ka ba, wala naman diba”


“bakit yung may mga jowa lang ba yung hindi pwedeng maghanap ng babae”


“sigi nga, anong reason mo?”


“reason ko?”


“oo”


“andyan ka naman, bakit pa ako maghahanap ng iba?”





Ang babae at lalake daw may malabong maging bestfriends ng walang involve na feelings. Hindi ako sang ayon dun, pero mula nung sinabi niya yun nagbago ang lahat.


Lagi kong napapansin na ang sweet sweet niya na saakin. Tapos dati sobrang adik siya sa ML, pero mula nung araw nay un minsan na lang siya naglalaro. Dumadalas na din ang paglabas namin, tapos randomly bigla siyang magbibigay ng bulaklak, chocolates at kung ano-ano pa.


Naguguluhan ako sa mga pinapakita niya. Nanliligaw ba siya? Gusto ba niya ako? Eh wala naman siyang sinasabi saakin. Haysss, naka droga ata to si Peter eh.


Madami na ding nangungulit at nagtatanong saakin kung kami na ba daw ni Peter, eh kasi naman napaka clingy ng loko akbay dito, akbay don, alalay dito, alalay doon. Mukha ba akong lumpo? Hindi lang yan, panay ang myday niya ng pictures namin paglumalabas.

Naalala ko nga nung isang bes eh, may nag chat saakin na schoolmate namin dati tapos hindi ako tinigilan sa pag chachat at one time nagkita kami accidentally, aba sumama banaman tapos bago ako umuwi eh nagtanong kung pwede manligaw. Kaya naman pagka-uwi ko ay agad kong chinat si Peter at kinuwento ang nangyari.


*Messenger Convo*

“Peter! Psssst!”

“Baket?”

“Tanda mo si Tony?”

“Tony? Sinong Tony?”

“Si Tony Stark, yung taga section 3 dati”

“ahhh, o bakit anong meron?”

“Kasi nagchachat siya saakin”

“Simula last last week pa, ayaw nga ako tigilan eh”

“Nirereplayan mo naman?”

“oo”

“Hindi ako snobber noh”

“Tss”

“mamaya ka na mag selos dyan”

“Patapusin mo muna ako”

“Luh sya”

“Oh anong nangyare?”

“Eh diba kanina nag mall kami ni Gwen”

“Ayun nakasalubong namin si Tony”

“Tapos alam mo ba, naki join sya saaming dalawa ni Gwen”

“Tapos nilibre kami ng kung ano-ano”

“wow galante”

“Baka naman pinopormahan ka nyan”

“Ayun na nga”

“Bago ako umuwi eh tinanong ako kung pwede ba daw siya manligaw”

“nakakaloka diba”

“like hello hindi tayo close”

“Anong sagot mo?”

“hmmmmmmmm”

“anong hmmm ka dyan”

“ANONG SAGOT MO?!”

“whahahahaha”

“HOY! ANO NGA!”

“Syempre di ako punayag”

“ano ako uto-uto?”

“ahhh”

“ehh?”

“ihh?”

“Ohh?”

“uhh?”

(Peter posted their photo and tagged jane with a caption “My girl not yours! BACK OFF!)

“Hoy loko ka”

“baka makita ng magulang ko yung post mo”

“wag ka mag-alala”

“naka specific person yun”

“si tony lang makakabasa nun”

“para tigilan ka na”

“baka maagaw ka pa saakin eh”

Sinong hindi maguguluhan sa ganoong mga linyahan niya? Plus his actions. Gulong gulo na talaga ako.


Hindi ko namamalayan na nasasanay na ako sa mga kilos at salita niya saakin. Yung tipong isang araw lang kami hindi magkita namimiss ko na siya. Tapos kapag nakikita ko sa facebook na may kasama siyang ibang babae nagseselos ako.

Pero may karapatan nga ba akong magselos? Kasi diba walang kami, hindi nanliligaw, hindi siya umaamin. Ano ba kami?

Baka naman bestfriends lang kami, nami-misinterpret ko lang yung mga kilos niya? Pero hindi eh *Recall all his sweet gestures and lines*



Argh! Peter gulong gulo na ako sayo. Gusto mo ba ako o hinde? Kasi ako mukhang gusto na kita.

Hoy! Jane ano bay an! Ang drama mo nakaka-inis ka



Lumipas ang mga araw, nararamdaman kong nagiging cold siya. Minsan na lang siya mag chat, tapos pupuntahan ko sa bahay nila laging, paalis may aasikasuhin daw. Tinatanong ko kung ano ayaw naman akong sagutin. Anong nangyayare?


ONE DAY

(Jane wakes up, checks her phone if may msg ni Peter)


“walang good morning”


(Naligo, nag check ng phone wala paden)

(Nanood ng movie, check ng phone wala paden)

(Kumai, nag check ng phone wala pa den)


“Online naman siya”


(kung ano ano ang ginawa, wala padeng message)


“Peter mababaliw na ako! Argh”


Hindi ko na kaya, pupuntahan ko na siya. Kailangan kong malaman kung ano ba talaga kami? Kasi litong lito na ako, gulong gulo na ako. Namimiss ko siya, nagseselos ako pero walang kami, nag-aantay ako ng message niya pero mahal ba niya ako? Kailangan kong malinaw ang lahat, ang bigat na niyang bitbitin eh.


(Bago pa man siya mag doorbell, lumabas na si Peter)


“oh! Jane bakit ka nandito?”


“Peter gusto sana kitang maka-usap”


“Hindi ba pwede yan sa ibang araw? Kasi nagmamadali ako eh. May kailangan akong ayusin” (walk)


“Ano ba kasi yung inaayos mo?” (sumunod)


“Saka ko na sasabihin”


“Peter!” (pigil)


“Jane ano ba? Nagmamadali ako!”


“Ano ba ako sayo?”


“Anong tanong yan?”

“Peter, gulong gulo na ako eh. Sasabog na ako, ano ba talaga ako sayo ha?!”


“Jane..”


“Bakit ang sweet mo sobra? Para saan yung mga pa bulaklak mo, pa chocolates mo? Para san yung mga ‘baka maagaw ka pa saakin eh’, para saan ba yun?”


“Jane saka na natin pag-usapan toh please”


“Hindi Peter I need answers right now! Ano ba tayo? Kasi hindi ko na alam kung saan ako lulugar eh, gusto mo ba ako? Kasi sa kilos mo parang oo, pero ayokong mag assume kasi baka mali ako. Ang sweet mo tapos maya maya may makikita akong kasama mong babae, magseselos ako tapos maalala ko wala namang tayo wala akong karapatan. Kaya please wag mo na akong pahirapan ano ba tayo?”


“Kailangan ba lahat may label? Hindi ba pwedeng kung ano yung ngayon yun na yon”


“Saan naman ako lulugar? Hindi ko nga alam kung may ibang lugar ako sa puro mo bukod sa best friend mo ako eh”


“Jane kung ano man yung satin, hindi naman non kailangan ng label, importante masaya tayo at nagkakaintindihan tayo”


“Masaya? Eh Peter hindi na ako masaya! Kasi hindi ko alam kung saan ilulugar tong selos at inis ko, saka nagkaka intindihan? Eh hindi ko nga maintindihan yang kilos mo! Ayokong umasa sa wala Peter! Ayokong sumugal sa mga bagay na hindi naman sigurado!”


“Tama na Jane please, kailangan ko nang umalis.”


“Peter ano ba?! Masayado na akong nasasaktan ano ba ako sayo?”


“MAHAL KITA OKAY?! MAHAL KITA JANE?! Please Jane kailangan ko nang mag madali, let me go”


Umuwi ako matapos non, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Matutuwa ba ako kasi mahal niya ako o hinde kasi hindi padin malinaw kung ano ba talaga kami.


(Kinabukasan sa bahay nila Peter)


(doorbell)



“Oh! Jane andito ka pala, anong sadya mo?”


“Ahh tita, andyan po bas i Peter?”


“s-si Peter? Jane wala ba siyang sinabi sayo?”


“tungkol po saan”


“Tara pasok ka muna”





“Hindi pala sinabi sayo ni Peter”


“Alin po ba yun tita?”


“Sa Japan na mag-aaral si Peter”


“p-po?”


“Yung pinsan niya kasing nag tatrabaho sa Japan nalaman na gustong maging animator ni Peter, eh may ino-offer yung isang school doon na scholarship for foreign students sa animation, eh ngayon pinasa ng Pinsan ni Peter yung mga drawing niya, ayun natanggap si Peter. Biglaan nga eh. Kahapon yung flight niya”


“Kaya po pala madalas siyang naalis these past few weeks”


“Mukhang hindi niya kayang sabihin sayo na aalis na siya”




Umalis siya ng walang pasabi. Mas lalo ata akong naguluhan na nangyare. Akala ko ba mahal niya ako? Pero bakit hindi siya nagsabi na aalis na siya?

Peter hihintayin kita. Panghahawakan ko ung salitang “mahal kita jane”


Lumipas ang 5 taon, isa na akong ganap na guro at pasado na din ako sa licensure exam. Si Peter? Hindi na kami nagkausap eh. Nag deactivate siya at gumawa ng bago account, naka private pa yun kay naghihitay na lang akong mag palit siya ng DP niya or may mag tag sakanya para makita ko kung kamusta na siya. Hinihintay ko padin ang pagbabalik niya.


Sa loob ng 5 taon maraming sumubok na pumasok sa buhay ko, pero wala eh kahit anong effort nila si Peter parin kasi talaga ang gusto. Kahit anong sakripisyo ata ang gawin ng kahit sinong lalake, hindi ko yun mapapansin kasi na kay Peter padin ang puso ko. Siya parin talaga ang gusto ko.




“Nak! San ka pupunta?”


“Kay Jane ma!”


“Nako Peter ha, nagseselos na ako kay Jane. Bay mula nang umuwi ka dito sa Pilipinas eh lagi na lang si Jane ang kasama mo”


“Ma, malaki ang kasalanan ko kay Jane, limang taon siyang nag hintay ma. Kahit umalis ako sa tabi niya ng walang paalam. Siguro ngayon ako naman ang mag eeffort sakanya”


“sige na, mag-ingat ka ha”


“Opo ma!”






“Sir ito po yung pina arrage niyong flowers!”


“Salamat miss, ito po yung bayad”


“Naku sir ang swerte naman po ng girldfriend niyo, ang mahal ng flowers na ibibigay niyo sakanya saka ang ganda ganda po”


“Nako miss, mas swerte ako sakanya”


Totoo naman mas swerte ako kay Jane. Kahit na umalis ako ng walang paalam hinintay paden niya ako. Malabo ang salitang mahal kita na iniwan ko, pero malinaw saakin na si Jane lang talaga ang babaeng minamahal ko.





Bawat hakbang papalapit mas lalong lumalakas ang kabog ng dibdib ko.


“oh! Peter andyan ka na pala”


“Opo tita”


“Napaka ganda naman niyang dala mo”


“opo, para kay Jane”


“Naku kanina ka pa hinihintay ni Jane”


“Hi Jane! Namiss kita. Pasensya na at hindi kita inabot, patawarin mo ako”


Kulang ang mga bulaklak na to para magpasalamat sa paghihintay mo saakin.


Sana nag paalam ako sayo ng maayos nung umalis ako, sana nilinaw ko lahat bago kita iniwan. Sana hindi ko pinutol yung communication natin, sana hindi ako natakot sa maaring mangyari kapag naging tayo pero malayo ako, sana naging matapang ako na harapin ang lahat ng negative possibilities ng relasyon na maaring mabuo satin, sana sinugal ko yung pagkakaibigan natin, sana nagtiwala ako na hindi naten bibitawan ang isa’t – isa.



Pero Jane sana sinabi mo habang nasa Pilipinas pa ako na may sakit ka, sana nung araw na kinompronta mo ako sana sinabi mo na may taning na ang buhay mo. Jane sana sinabi mo saakin, kung alam ko lang yung sitwasyon mo siguro naging matapang ako na harapin at panagutan yung feelings ko. Jane siguro kung naging matapang lang tayo pareho, siguro pareho nating hinarap ang pagsubok na binigay saating dalawa.


Alam kong hindi ko mapipigilan ang paglisan mo sa mundo, pero sana naging matapang ako siguro nakasama kita ng mas matagal. Ang dami kong sana pero alam kong huli na ang lahat.


Sa sitwasyon nating Malabo, may nakatagong malinaw na pagtingin sa bawat isa pero nabalot ng takot. Ang istoryang malabo na kayang bigyang linaw, hindi na tayo nabigyan ng pagkakataon na linawin ang mga bagay na lumabo dahil sa takot. Jane mahal kita pero siguro hanggang dito na lang tayo. Salamat.



~ ~ ~

"Writing this story made me realize that I am Jane. I can wait for someone I love though there's no assurance if they will come back. Because in love I could be selfless"


 
 
 

Comments


LET'S TAKE IT TO THE NEXT LEVEL!

© 2023 by Annabelle. Proudly created with Wix.com

bottom of page