Put God First
- Cieng
- Jul 9, 2019
- 3 min read

After encounter inencourage ako ng aking leader na si Mam cassey na tumuloy sa PEPSOL training, so pumayag ako kasi ang alam ko uupo ka lang naman doon makikinig sa teacher at gagawa ng assignments kung meron man, na hindi naman bago saakin dahil estudyante naman ako. Post encounter palang grabe na yung interes ko sa PEPSOL training kasi ang dami kong natututunan linggo linggo. At tuwang tuwa pa nga ako kasi sa PEPSOL yung assignment ipapasa next week pa pero sa school kinabukasan dapat mapasa mo na. From Post-encounter hanggang SOL 2 para saakin hindi naman ako gaanong nahirapan, oo mahirap maging consistent sa attendance may mga absent pero kaya naman.
Pero nung nag SOL 3 ako doon na ako mas na challenge. Sabi nga nila pag graduating ka talaga mas challenging kasi sinisigurado ng mga guro mo na ready sa sususnod na chapter ng buhay mo after graduation. Nagkataon na habang nasa SOL 3 ako ay graduating din ako bilang grade 12 student at dito nakaranas ako ng iba’t ibang struggles. Nandyan yung mula lunes hanggang sabado nagawa ka ng mga activities mo sa school laging kang puyat at pagod at pag dating ng linggo mula umaga hanggang hapon nasa church na minsan masarap umabsent at umuwi na lang dahil gusto mo ng magpahinga o kaya may deadline ng lunes at iniisip na sayang ang oras, kung gumawa siguro ako baka tapos na ako. But God is helping me to push myself to attend SOL 3 and to put Him first always.
Kung meron man akong isang bagay na natutunan at lagi kong dadalhin sa buong journey ko sa PEPSOL training yun ay “Putting God first before everything else”. This year has really been a challenge to me, kaya sobra akong nag rely sa Panginoon. Natatandaan ko pa nga madaming beses pinatunayan saakin ng Panginoon na pag inuna ko siya hindi ko na kailangan mag worry sa iba pang bagay. Madaming beses na nagyari saakin yung sobrang tambak na ako ng paperworks sa school at hirap na hirap na akong sagutan yung mga activities na binigigay saamin ng teachers namin, tapos lahat ng yun halos sabay sabay yung deadline which is kinabukasan na, tapos sasabayan ng projects at minsan mayroon pang long tests kinabukasan kapag ganoon ang sitwasyon lagi kong pinapaalalahanan ang sarili ko “Joycie God first” kaya naman isinasantabi ko lahat ng gawain ko at gagawa ng devotion at kakausapin ang Panginoon. Pagkatapos noon ay mas madali ko nang nasasagutan at natatapos ang activities ko at madalas after noon inaantok na ako at pagdidisisyunang iidlip ng saglit saka mag rereview para sa long test. Pero ang ending nagigising ako umaga na, kaya paspas na ako ng asikaso sa sarili at papasok at pagdating sa school todo review kasi hindi nagising sa alarm, pero ang ending hindi tuloy yung long test, at mapapasabi na lang ako ng “Thank you Lord, love na love mo talaga ako”. Hindi ko alam kung sinasadya ba ito ng teachers naming pero ang daming beses na yung hindi ako makakapag review dahil sa gawain para sa Lord tapos hindi matutuloy yung long test. Coincidence? Pwede, pero for me doon ko napatunayan na pag inuuna natin Siya, hindi na natin kailangang mag-alala pa ng ibang bagay sa buhay natin kase si Lord na ang bahala doon all we need to do is to rely in Him always and put Him first.
And with God’s provision I graduated 12th grade last April and now graduating in PEPSOL training. All of this was because of Him, without Him this will never be possible. Kinaya ko dahil nandyan Siya para saakin. As I move on to my journey as a leader I will forever keep this phrase
“FAITH inspires us, LOVE sustains us, but only PERSEVERANCE will take us to the end”
Let us keep of Faith to our Lord, love everything we do for Him and persevere to the duties He have called us to do. As we keep our faith, love and perseverance let us also put Him first and surely the victory is yours.
Comments