top of page

Letters to You: Pangakong Napako

  • Muciecian
  • Jul 25, 2019
  • 2 min read

Pangako isang salita na may pitong letra.

Napakadaling bitawan, pero ganoon din kadaling baliin

Hindi ba dapat ang bawat pangako ay tinutupad?

Bata pa lamang ako, itinuro na saakin ng aking mga magulang

“Ang mga pangako ay dapat tinutupad,

huwag kang mangangako kung hindi mo naman kayang tupadin”

Kaya naman lumaki ako ng ito ang pinaniniwalaan

Pero hindi pala lahat ng tao kayang tupadin ang kanilang mga pangako

Ilang beses mo na bang binali ang mga pangako mo?

Ako kasi pag nangako ako tinutupad ko

Kaya akala ko ganoon ka din

Pero sabi nga nila maraming namamatay sa maling akala

At tingin ko yan ang nangyare saating dalawa

Ilang beses na ka na bang nangako?

Ilang beses na ba itong napako?

Ilang beses mo na ba akong pinaghintay sa wala?

Ilang beses na ba kitang initindi?

Sa mga galawan mong paasa

Hindi ko yun inintindi

Ang sinabi ko na lang

“Ang tanga ko dahil naniwala ako”

Maraming beses ka nang nag sabi

“oo sige, akong bahala”

Pero ilang beses mo ba itong tinupad?

Wala pa.

Sa dami ng pangako mo

May natupad ka ba kahit isa?

Ako na ang magsasabi.

Wala pa.

Oo, walang tayo.

Pero sana kaibigan tuparin mo yung mga pangako mo

Kasi ang magkaibigan hindi naglolokohan diba

Kaya may tiwala ako sayo na hindi mo ako iiwan sa ere

Pero ano bang magagawa ko?

Mukhang likas kang boktir

Kaibigan tama na

Tama na ang lokohan

Tama na yang mga pangako mong di naman natutupad

Tama na yung pag-iintindi ko sayo

Tama na yung mga araw na umaasa ako sa dadating ka

Tama na yung mga oras ng paghihintay ko

Tama na yung pagbabaliwala ko sa mga pangako mong napako

Tama na

Tama na kasi pagod na ako

Tama na kasi nagsasawa na ako

Tama na kasi nasasaktan na ako ng SOBRA

Tama na kasi KAIBIGAN lang naman ako

Hindi ako priority

NOTED!

Pero sana kaibigan WAG KANG PAASA!


 
 
 

Comments


LET'S TAKE IT TO THE NEXT LEVEL!

© 2023 by Annabelle. Proudly created with Wix.com

bottom of page